Sign up for Free | Read More Articles | Create A New Blog | Search News Jungle Blogs | Members | Login | Join Help Recycle | List Your Feed


Ang Paboritong Blog ni Yuna

Description

isang walang kakwenta kwentang blog especially made para sa mga taong walang magawa sa buhay at nais lang magbabad sa net at magbasa ng mga kung anek anek... Tamang trip lang, astig!


My Links

? Home
? My Profile
? Weblog Archives
? Friends
? Free RSS Reader

Pagpapakilala (Introduction)

Mag 4 am na ng umaga February 2, 2006 pero sad to say sa kabuuan ng February 1 e mahigit 3 hours lang ang tulog ko at kahit namimikit-mikit na ang mata ko ay nais ko talaga i-share ang nasa isip ko  

 

Itago niyo na lang ako sa pangalang Yuna... of course naman though lahat ng entries ko at magiging entries pa e halaw sa aking personal experiences it's best na itago naten sa codes ang mga taong nakakahalubilo ko.

 

So yun nga... ako si Yuna, isang simpleng nilalang na naghahangad ng mas simple pang kalakaran ng buhay. Mula ako sa lahi ng mga mongha at almost 2 years na akong nag stay sa tawagin na lang nating "Bahay ni Auntie". Isa ako sa mga nangangarap na mabago ang Pilipinas pero PANGARAP lang iyon kase wala naman akong ginagawa para mapaunlad ang ating bayan (",) 21 na ako at malapit na akong sumapit sa edad na 22... at malapit na akong maging kapaki-pakinabang sa mundong ito.

 

Marami akong talents... maipagmamalaki ko na ako lang sa Pilipinas ang nakakaiyak ng pagkalakas-lakas, at kaya ko umiyak sa loob lamang ng isang segundo. Kaya ko ring tumagal ng 21 hours na walang tulog pero syempre dapat me nginangata at ang kape ay pampatulog ko lang (",) Miyembro din ako ng isa sa mga respetadong organisasyon dito sa Sampaloc.... ang maimpluwensyang MASA (aka MASANDAL TULOG) Saan ka ba naman nakakita ng narcoleptic at insomniac rolled into one? At ako nga pala ay mayroon ng diagnosed na 10 personalities...

 

Moody ako. Dito lumalabas ang 10 alter egos ko (",) nandiyan si Lotty, si Betty Boop, si Lydia at kung sino-sino pa. Madaldal ako sa tago pero sa lantad ay mangilan-ngilan lang ang words per minute na nabibitawan ko at usually... *gago* *lolz* *loko ka* *ganun* at *talaga* lang ang aking nasasabi.

 

Ang ingay naman ng 2 naglalaro ng TANTRA dito, masyado silang masaya sa kruma at tinititigan sila ng katabi kong nyoks (para sa kaalaman ng iba ito po ay nangangahulugan ng bakla) makikilala niyo rin sila sa mga susunod kong entries pero sa ngaun.... AKO LANG MUNA ANG BIDA DITO!!!!

 

So again, ako si Yuna... matapang na tao pero takot sa mumu


Posted: 4:02 AM, Feb. 2, 2006
Add Comment

Police Auctions - 731

I’ve been visiting your blog for a while now and I always find a gem in your new posts. Thanks for sharing.

Posted by buy flex fuel cars in the us at 7:48 AM, Nov. 5, 2010

Link

<- Last Page | Next Page ->

Copyright 2011 News Jungle .us



BingoGiant.com - Free Bingo