almost 5 am na and i have class later at 9 pero cxempre wala pa ring makakapigil sa akin na mag add ng entry sa aking paboritong blog 
Kanina nga pala maaga me nakarating sa school para sa aking lecture class sa CVD (cardiovascular diseases) IYON pa lang bago na... kasi hindi naman ako maaga nakakapasok sa mga klase ko! So iyon, dumating na si Sir Chinito (codename cxempre) mukha siyang suplado nuong una akala ko nde sya marunong ngumiti pero si Sir marunong din... magaling si Sir magpatawa lalo na kapag hinaluan na niya ng green jokes, at ako ngang mongha e napapailing-iling na lang. Naiimagine ko na kung ilang gramo ng asin ang dapat kong luhuran at ilang Our father at Hail Mary ang kailngan kong dasalin. Dahil dun sa matindi kong pag-iisip nagconstrict ata ang blood vessels ko sa brain hehehe kaya nung recitation "diabetes mellitus" pa lang ang sinasabi ni Sir Chinito ay abot abot na ang dasal ko na bigla akong mapossess ng ispiritu at siya na ang bahalang magpaliwanag kay Sir ng sagot sa tanong na ito "Paano nakakaapekto ang diabetes mellitus sa CVD" Cxempre sa recitation, 1st tip: kahit d mo alam ang sagot, kelangan confident ka 2nd: pagandahin mo ang pagkakadefine mo ng mga terms and lastly maupo ka na kung wala ka na maidugtong mahirap naman kasi ang smile ka ng smile kay Sir baka bigla me hilahin papuntang psych ward hehehe at sa sobrang confidence ko nga sa pagsagot ay ito ang response ni Professor Chinito "Saang book mo nabasa iyan?" Simpleng okray. Nasayang ang mahaba kong kasagutan ookrayin lang ako ni Sir kasalanan ko bang bigla ata akong nagka Alzheimers at nakalimutan ko ang function ng insulin? Buti nga nde ko nasagot si Sir na "isang aklat po mula sa kalawakan ang nalaglag at binasa ko at iyon po ang nagsabi na ang maraming sugar sa katawan e nakakapagpalapot ng dugo" wahehehe Pero wag ka sa aming quiz e perfect 10 ako syempre nakinig tayo kay Sir. Malupit pa naman yun bawal ang tumingin sa katabi kungdi minus 3 agad bawal may erasures minus 3 din at kapag walang corrected by ay babawasan ang papel mo ng 3... e lapis ang gamit ko kaya wala me erasures. Yun kasi ang tinuturing kong "lucky pencil" nde pa ako binigo ng lapis na 'yun pinaplano ko nga siyang i-reserve hanggang sa makapagboard exam ako
Hhhmm wala nga pala kaming research kanina. Di din natuloy ang aming report. Halos magtatalon ako sa tuwa at literal na humiyaw ako sa klase "Wala si Mystic!!!" at apat kaming tropa na nagconclude na malamang nagpropromote si Ma'am ng movie nyang X-MEN III. Kaya direcho uwi ako sa Bahay ni Auntie kumain ng sardinas at kanin saka natulog. Kelangan ko ata ng pahinga dahil mapapalaban na naman tayo sa TANTRA. At alam niyo bang after 8 hours e saka lang ako nakapaglevel up... whew! Sa wakas lumaki na rin si Kamisya!!!
|